81

Oct 20, 2020 @ 11:17
By

Mga Xmas party bawal sa GCQ – Año

Hindi puwede ang mga physical Christmas party sa Metro Manila ngayong taon.

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año ngayong Martes, nagkasundo kasi ang mga alkalde sa rehiyon na pananatilihin sa general community quarantine (GCQ) ang National Capital Region (NCR) hanggang sa dulo ng taon.

Matatandaang nakasaad sa guidelines ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases na sa mga lugar na sinailalim sa GCQ, bawal ang mass gathering.

“Under GCQ, bawal pa ang parties. Ang ating NCR, nagkasundo ‘yung ating mayors na under GCQ muna tayo,” sambit ni Año sa ABS-CBN’s Teleradyo, Oktubre 20.

“Magluluwag lang para makasuporta sa ekonomya pero hindi muna mag-MGCQ (modified GCQ). Konting tiis na lang ito,” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?