474

Apr 29, 2019 @ 17:53
By

Mga walanghiya! JK Labajo nabuwisit sa mga bastos na concertgoer

Naglabas ng kaniyang inis si “Buwan” hitmaker JK Labajo hinggil sa mga taong nanonood ng mga concert na nagpapansin sa pamamagitan ng pambabastos ng mga artist na nagpe-perform sa entablado.

Sa kanyang Instagram Story noong April 28, binanatan ni JK ang mga walang modo na taong nagtutungo sa mga concert para mambastos.

“Puro pagpapansin ang ginagawa sa mga gigs ng mga taong walang modo na nakikisabay lang sa bandwagon ng mga ulol na walang ibang magawa sa buhay kung hindi ay mambastos sa artist na nagpe-perform sa mga lugar nila. Mga walang respeto sa kapwa. Mga walang hiya. Naawa ako sa mga magulang ninyo,” inis na pahayag ni JK.

“Kung kayo ang kinabukasan ng ating bansa abay dapat makapunta nako sa kabilang dulo ng mundo bago pa maging huli ang lahat,” dagdag pa niya.

Hindi naman diretsahang tinukoy ni JK kung may nambastos sa kaniya sa concert.

Matatandaang nasangkot sa kontrobersiya si JK nang murahin at mag-dirty finger sa isang manonood na paulit-ulit na sumigaw ng “I love you, Darren” habang nakasalang sa entablado si JK sa Rakrakan Festival 2019 sa Makati City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?