19

Apr 2, 2020 @ 15:47
By

Mga volunteer group kanya-kanyang pagpapakain sa mga health worker

Sobrang proud si dating senador JV Ejercito sa bayanihan ng maraming Pilipino sa gitna ng krisis sa COVID-19 ng bansa.

Sa kanyang Facebook post, binahagi ni Ejercito ang mga litrato ng iba’t ibang volunteer group na nag-effort at nag-organize ng kani-kanilang home kitchen para ipagluto ng makakain ang mga frontliner gaya ng doktor at nurse araw-araw.

“This Pandemic brings out the best in our people. So proud and happy that different volunteer groups took the initiative & organized their home kitchens to cook & provide hot meals for our dearest Frontliners, Docs, nurses, etc.. everyday. ‪Without fanfare. Mabuhay kayo!” caption ng dating senador.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?