213

By

Mga VIP dumalo sa PMA Alumni Homecoming

Dumalo ang mga matataas na opisyal ng gobyerno kabilang na ang mga opisyal ng mga pulis at militar, at iba pang VIP sa Fort del Pilar, Baguio City para sa 2019 Philippine Military Academy (PMA) Alumni Homecoming nitong Sabado, Pebrero 16.

Nagbigay ng traditional arrival honors ang mga PMA cadet para kanila Philippine National Police (PNP) Chief Director General Oscar Albayalde, Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Benjamin Madrigal Jr., dating AFP Chief and Interior Secretary Eduardo Año, at Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Binigyan din ng arrival honors ang Guest of Honor na si dating AFP Chief at kasalukuyang Environment Secretary Roy Cimatu.

Matapos ang arrival honors magaganap ang Alumni Homecoming parade sa Borromeo Field sa naturang campus, susundan naman ito ng Class Picnic.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?