136

May 18, 2021 @ 12:08
By

Mga Vietnamese nainsulto kay Pia

Nag-sorry si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach matapos siyang i-bash ng mga Vietnamese fan dahil sa kanyang tweet.

Napatanong kasi si Pia kung mas marami pang pageant fans sa Vietnam kaysa sa Pilipinas matapos makapasok si Nguyen Tran Khanh Van sa Miss Universe 2020 Top 21 nang manguna sa fan votes.

Dito nagsimulang putaktehin si Pia ng mga Vietnamese at karamihan ng mga comment ay sinasabing mas maraming pageant fan sa ‘Pinas, ngunit may ‘solidarity’ daw sa Vietnam.

Humingi naman ng paumanhin si Pia at ipinaliwanag na nasorpresa lang siya na mas maraming boto ang Vietnam dahil ang pagkakaalam niya ay nangunguna ang Pilipinas sa may pinakamaraming pageant fan.

“Woah! Woke up to so many angry fans from Vietnam! I think some of you misunderstood my tweet last night! I didn’t mean any harm by it at all!” sey ni Pia.

“For years I was told (and I believed) that the Philippines had the most pageant fans in the world. But yesterday Vietnam got the highest votes in history! Which meant I was wrong. Which surprised me!” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?