93

Apr 23, 2019 @ 19:05
By

Mga venue sa SEA Games, nakaligtas sa lindol

Hindi napinsala ng malakas na lindol ang mga lugar na pagdarausan ng 2019 Southeast Asian Games (SEA Games) sa New Clark City at bagong passenger terminal building na itinatayo sa Clark International Airport.

Ayon sa Bases Conversion and Development Authority (BCDA), agad ipinagpatuloy ng ang konstruksiyon ng sports facilities para sa SEA Games nitong Martes ng umaga matapos ang ginawang inspeksiyon.

Inaasahan umanong matatapos ang bagong terminal building sa kalagitnaan ng 2020.

Matatandaang ang bansa ang napiling maging host ng 2019 SEA Games na magsisimula sa Nobyembre ngayong taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?