51

May 13, 2019 @ 16:59
By

Mga VCM sa Mandaue City, nag-overheat

Nagamit na ang lahat ng reserbang vote counting machine (VCM) sa Mandaue City, Cebu.

Ayon sa ulat, ito’y matapos palitan ang may 24 VCM sa iba’t ibang polling precincts sa siyudad matapos magloko nang mag-overheat.

Sa kabila nito, hindi umano magiging problema ito dahil inaayos na ng mga technician ang mga makinang nasira.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?