45

Feb 5, 2020 @ 21:51
By

Mga Valentine concert nanganganib sa nCoV

Pinababantayan ng isang senador kay Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III ang mga Valentine concert ngayong buwan.

Naitanong kay Sec. Duque ang tungkol sa mga concert sa naganap na hearing sa Senado nitong nakaraang mga araw kaugnay ng novel coronavirus (nCoV) na aming napakinggan sa radio.

Sabi ng senador, dumadagsa ang mga tao sa mga concert kaya dapat din itong bantayan bilang iwas sa virus.

Nangako naman si Sec. Duque na gagawa siya ng hakbang upang maprotektahan ang mga manonood ng concert.

Siyempre, hindi naman ito puwedeng ipatigil ng DOH secretary dahil lang sa virus, huh!

Ang tanong, sumugod pa kaya ang mga concert goer sa gitna ng lumalaganap na virus?

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?