14

Jan 12, 2021 @ 19:10
By

Mga vaccinator sa Pasig naghahanda na – Sotto

Naghahanda na ang 250 mga vaccinator sa lungsod ng Pasig para sa pagdating ng mga bakuna kontra Covid-19, ayon kay Mayor Vico Sotto.

“Ongoing po ang paghahanda natin para sa simulation ng COVID vaccine program natin. We’re actually training already our vaccinators. We have 250 vaccinators that are being trained: 150 from the government and then 100 from our private hospitals. So ito’y talagang magiging giant team effort from the national government, the local government and the private sector,” saad niya sa isang pahayag.

Sa isang Facebook post ng alkalde noong nakaraang Linggo, sinabi niya na ang lungsod ng Pasig ang unang local govergnement unit na magsasagawa ng vaccination system ng Department of Health.

“As soon as vaccines arrive, we’ll be ready,” aniya.

Dagdag pa niya, mga health worker ang nasa unang prayoridad na mabakunahan.

“Pagdating sa vaccination program natin, ang health care frontliners po talaga ang mauuna. So right now, we’re mobilizing, finalizing our list. Again, this includes the private sector, private hospitals,” saad niya.

Kasalukuyang nasa 9,950 na ang naitalang kaso ng nagpositibo sa Covid-19 sa naturang lungsod.

180 rito ay aktibo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?