239

Dec 27, 2017 @ 17:12
By

Mga uuwi ng probinsiya para sa Bagong Taon, dagsa na sa mga bus terminal

Dagsa na sa mga terminal ng bus sa Pasay City ang mga gustong sumalubong sa Bagong Taon kapiling ng pamilya sa probinsiya.

Sa Victory Liner sa EDSA Extension sa Malibay, mabilis ang alis ng mga bus dahil agad na napupuno at batay ito sa kanilang schedule.

May early booking sa kanilang biyahe pero may tsambahan na nakakasingit o pinapayagan ang chance passengers.

Naglalakihan ang bagahe ng mga pasahero rito na patungong Baguio, Pangasinan at Olongapo.

Marami namang bus na bumibiyahe ang Victory Liner.

Sa Disyembre 31, hanggang alas-kuwatro ng hapon ang kanilang last trip para hindi abutan ng pagsalubong sa Bagong Taon ang mga bibiyahe.

Samantala, tambak ang mga pasahero sa Five Star terminal sa Tramo, Pasay City dahil matumal ang pagdating ng kanilang mga pampasaherong bus na patungong Cabanatuan at mga bayan ng Pangasinan.

Ayon kay Rodolfo Fontanilla, dispatcher, naiipit sa traffic ang mga bumiyaheng bus.

Hanggang alas-singko ng hapon ang kanilang biyahe sa Linggo para hindi abutan ng pagsalubong sa Enero 1, 2018. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?