158

Oct 20, 2018 @ 12:17
By

Mga TV network piniperahan ang mga debate ng kakandidato! – Duterte

Tinawag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ‘raket’ o pagkakuwartahan ang mga debate at campaign ads sa telebisyon tuwing panahon ng eleksyon.

Sinabi ng Pangulo na kalimitang malalaking television network ang pasimuno o sponsor ng debate ng mga kandidato pero ang katotohanan nito ay raket lamang ito para kumita.

Ginawang halimbawa ng Pangulo ang presidential debate noong 2016 kung saan limitado ang kanilang oras para ilahad sa publiko ang mga plataporma at dapat gawin kapag pinalad na makapuwesto.

Nagpasok din aniya siya ng campaign ads noong panahon ng kampanya subalit hindi naman ito inilabas dahil binigyang prayoridad umano ng isang tv station ang kanyang mga kalaban na may pera.

“Itong TV networks. Iyong mga sponsor-sponsor ninyo presidential debates and you only give us about a minute and a half. Racket ‘yan. During the presidential debates, I never saw my advertisements — on the side about me. It was all about my opponents. Ako wala na, sabi ko, “Well, that is all that I can afford,” anang Pangulo.

Sinabi ng Presidente na kung gusto talaga ng totoong debate na may mapapala ang mga botante, dapat na bigyan ang mga kandidato ng kalahati hanggang isang oras para makapagsalita sa telebisyon para maipaliwanag ng maayos ang mga gustong gawin para sa bansa.

“If you really want an educated debate before the public, give them one hour or 30 minutes to expound on what he intends to do in the country or for the country. Iyong ganun — so ako bullet-bullet lang. You have another five minutes then you’re off.” So natuto akong mag-bullet,” dagdag pa ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?