20

Sep 23, 2020 @ 13:22
By

Mga turista nationwide pwede na sa Boracay sa Oktubre!

Good news, mga sabik sa beach: simula Oktubre 1 ay tatanggap na ng bisita mula sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas ang Boracay Island!

Ayon sa Department of Tourism (DOT) ngayong Miyerkoles, Setyembre 23, kaugnay ito ng pagpapanumbalik ng domestic tourism nationwide.

Resulta umano ito ng special meeting kahapon ng Boracay Interagency Task Force (BIATF) kabilang sina Environment Secretary Roy Cimatu, Interior Secretary Eduardo Ano, DOT Secretary Bernadette Romulo-Puyat, at Aklan Governor Joeben Miraflores.

Wika ng DOT Secretary, magpapatupad sila ng “Test Before Travel” rule. Ibig sabihin, kailangang magnegatibo sa COVID-19 swab test ang turista 48 hanggang 72 oras bago siya pumuntang Boracay.

Dapat din itong mag-strict quarantine matapos ang test hanggang sa oras na babiyahe na ito sa isla.

“The Test Before Travel regulation will also permit tourists from areas under general community quarantine status to visit the island,” ayon pa kay Puyat.

Dagdag pa ng kalihim, pwedeng bumisita sa Boracay maging mga edad 20 pababa at 61 pataas basta wala silang comorbidity o malalang health conditions.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?