13

Oct 18, 2020 @ 11:22
By

Mga turista mula Luzon papayagan na sa Baguio

Bubuksan na ang Baguio City sa mga biyahero galing Luzon, kabilang ang Metro Manila, pagdating ng Oktubre 23.

“We may consider accepting tourist from other regions in Luzon starting October 23, but limited to 200 per day — to be increased gradually,” sabi ni Mayor Benjamin Magalong kahapon.

Matatandaang noong Oktubre 1, pwede na sa Baguio ang mga turista mula Ilocos region.

Mahigpit na isi-screen ang lahat ng mga bibisita sa lungsod.

Ang mga leisure visitor ay kailangang mag-sign up sa online Baguio travel system, mag-book ng kuwarto at designated hotel para sa monitoring.

Sasaluhin din ng mga turista ang gastos sa kanilang COVID-19 test.

Tinatayang P1.6 billion ang nalugi sa city tourism industry dulot ng ilang-buwang anti-coronavirus community quarantines sa lungsod.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?