135
Carwash boy
Mar 17, 2019 @ 14:53
By

Mga tumatawid inararo ng truck, 2 patay, isa sugatan

Isang delivery truck ang nakabangga sa grupo ng mga taong tumatawid sa kalsada na naging dahilan ng pagkamatay ng 2 katao at 1 naman ang sugatan sa San Pedro City, Linggo, Marso 17 ng umaga.

Kinilala ang isa sa mga biktima na si Jonathan Muyco, residente ng Biñan City, samantala hindi pa umano nakikilala ang babaeng kasama ni Muyco na namatay din.

Sugatan naman si Jiero Esteban, 23-anyos mula sa Muntinlupa City.

Ayon sa mga pulis, tumatawid ang mga biktima sa national highway sa Barangay Nueva nang mabangga ang mga ito ng truck dakong 3:30 ng umaga.

Saad pa ng pulis, tinangka umanong tumakas ng driver na si Jerick Manaog ngunit agad itong napigilan ng mga pulis na nagpapatrolya, isang daang metro mula sa pinangyarihan ng aksidente.

Saad ni City Police chief Supt. Giovannie Martinez, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon kaugnay sa insidente.

Nahaharap naman sa kasong reckless imprudence resulting to homicide ang driver.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?