26

Sep 19, 2021 @ 16:22
By

Mga tumakas sa selda gamit kubeta sa Israel, balik-piitan!

Naaresto na ng Israeli army ngayong Linggo ang natitirang dalawa sa anim na Palestinian na umeskapo sa isang maximum-security na kulungan sa Northern Israel.

Ayon sa ulat, nahuling buhay ang mga suspek matapos magsagawa ng joint operation ng mga awtoridad sa Jenin city, northern West Bank.

Nito lamang Setyembre 6 nang mapaulat na tumakas ang anim na preso sa pamamagitan ng pagbubungkal sa kanilang kubeta at paggawa ng lagusan dito para makawala sa Gilboa Prison.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?