12

Jun 22, 2020 @ 12:51
By

Mga tsuper sa Mandaluyong namalimos para may makain

Mistulang nakikipaglaro ng tagu-taguan ang mga tsuper sa Mandaluyong sa mga tauhan sa kanilang barangay.

Pinagbabawalan kasi ang nauna na mamalimos sa mga naglalakad na mamamayan, ayon sa ulat ng DZBB.

Naispatan ang ilang drayber ng traditional jeepney na may bitbit na galon ng plastic kung saan nakasulat ang katagang “pangkain lang ng driver, salamat”.

Wika ng mga tsuper, nakakuha naman sila ng P2,000 na tulong mula sa Mandaluyong LGU pero mabilis itong naubos.

Daing ng mga drayber, sana’y payagan na silang magbalik-pasada ngayong rumoronda na uli ang mga modern jeepney.

Ayon kay LTFRB chairman Martin Delgra, kasama umano ang mga lumang jeep sa mass transport na plano nilang pabalikin sa kalsada sa mga susunod na linggo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?