740

By

Mga Tsino nahihimatay sa coronavirus

Kumakalat online ang mga video ng mga residenteng Chinese na bigla na lang nagko-collapse sa kalsada dahil umano sa Wuhan coronavirus.

View this post on Instagram

#kungflu #coronavirus #alliswell

A post shared by Jessy Fuchs (@jessyfuchs) on

Maging si Chinese-Aussie artist Badiucao ay nag-reshare na nito.

“another case of collapsing on street in Wuhan. see the mefics gear?its probably #WuhanCoronavirus related,” hayag ni Badiucao sa Twitter kagabi, Enero 23.

May ilan namang nagdududa kung totoong sa Wuhan ang mga viral video, o kung ang pneumonia-causing virus ang dahilan ng pagkahimatay ng mga residente.

Naka-lockdown na ang lahat ng mga transportasyon na papunta at paalis ng Wuhan, at pinayuhan na rin ang 11-milyong residente ng nasabing lungsod na umiwas muna sa mga kumpol ng tao at pampublikong pagtitipon.

Ngayong Biyernes, Enero 24, kinumpirma na ng mga Chinese authority na 25 na ang namatay habang 830 na ang kumpirmadong kaso sa China ng novel coronavirus (2019-nCoV) na nagmula sa Wuhan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?