242

Aug 3, 2021 @ 21:53
By

Mga troll lagot kay Pacquiao

Pinaiimbestigahan ni Senador Manny Pacquiao sa Philippine National Police (PNP) ang mga “social media troll” na nasa likod ng diumano’y “fake news” tungkol sa P3.5 bilyong Sarangani Sports Complex.

Sabi ni Pacquiao, kasalukuyang nagsasanay sa US para sa nalalapit niyang laban kay Errol Spence Jr., determinado siyang papanagutin ang social media trolls dahil sa pagpapakalat ng kasinungalingan laban sa kanya.

“Many of these SocMed trolls are making a lot of money at the expense of honest and hard-working citizens. I’ll make it my mission to stop them at all costs,” sabi ni Pacquiao sa isang statement.

Sa pamamagitan ng kanyang legal team mula sa Cuison, Daguinod, Mendoza-Martelino Law offices, hiniling ng senador sa PNP Anti-Cyber Crime Group na kilalanin ang may-ari at administrator ng 27 social media platform na nagpapakalat ng fake news na nag-uugnay sa kanya sa korapsyon.

Ang aksyon ni Pacquiao ay nag-ugat sa social media post ng spiritual adviser ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Pastor Apollo Quiboloy ng SMNI na nagsabing ang senador ang nasa likod ng hindi pa natatapos ng Sarangani Sports Complex.

Sinabi pa ni Quiboloy, nagkakahalaga ang proyekto ng P3.5 bilyon. Agad namang ipinakalat ang naturang post ng mga social medial troll kabilang ang self-confessed na Duterte diehard loyalist na si Bryan Cristobal, na mas kilala sa pangalang Banat By, sa 27 internet site, ayon sa kampo ni Pacquiao.

“The post is libellous and was malicious to destroy the good reputation of the Senator. For the benefit of the public, I would like to remind everyone the Senate is part of the legislative branch of government. Their role is primarily to create bills and resolutions which may become laws later on. It is because of this that the Senator being a strong advocate for sports development proposed the creation of a world-class sports complex in Sarangani to further develop athletes in the region. He proposed this in 2018 and it was signed into law by President Rodrigo Duterte on February 22, 2019,” sabi ni Atty. Pelagio Lawrence Cuison.

“The full implementation of the project will be done by the local government through the province of Sarangani and the municipality of Alabel where the land is located, while the budget will be coming from the National Government. After the proposal of the bill and its signing into law by the President, Senator Pacquiao has no direct dealings with the project. The contractor selected by the bidding committee of the province also has no relation to the Senator,” dagdag pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?