35

May 16, 2020 @ 15:48
By

Mga tricycle pwede na pumasada sa Pasig

Simula sa May 18 ay muli nang makakabalik sa mga kalsada ang tricycle sa Pasig City.

Ito’y kasunod ng pagpasok ng Metro Manila sa modified enhanced community quarantine kung saan naglabas ng guideline ang gobyerno na papayagan na ang mga tricycle na muling mamasada.

Kasama sa inaprubahan ng DILG ay ang paglalagay ng barrier mula sa pasahero at tsuper.

Isa lang din ang pwedeng pasahero, liban na lang kung kailangan ng kasama dahil sa medical care.

Papayagan din ang mga tricycle na bumiyahe mula lang alas-5 ng umaga hanggang alas-12 ng hatinggabi.

“Magiging malaking tulong ang mga tricycle para masolusyonan ang kakulangan sa mobilidad ng mga empleyadong Pasigueño sa paraan na may social distancing pa rin,” saad ni Pasig Mayor Vico Sotto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?