49
ABANTE mrt lalaki magallanes
By

Mga tren ng MRT-3, inumpisahan nang ayusin

Sinisimulan na ng pamunuan ng Metro Rail Transit-3 (MRT-3) ang pagkukumpuni sa mga luma at bulok nang bagon at motor ng mga tren matapos na isa-isang dumating ang mga inorder na piyesa mula sa supplier nito.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), unang dumating ang unang batch ng mga spare parts na inaasahang madaragdagan pa sa mga susunod na araw na gagamitin para sa pagsasaayos ng mga depektibong bagon ng MRT-3.

Kabilang sa mga supplier ng spare parts ng MRT 3 ay ang Pink Armour Corporation na kinunan ng mga spare parts para sa power at Overhead Catenary System (OCS), Linkers Enterprises para sa spare parts ng rolling stock at Nikka Trading sa spare parts ng mga depektibong tracks

Ilan sa mga piyesang inorder ay mula sa Germany, Europe at China habang ang ilan ay mula sa supplier sa bansa, ayon sa Special Bids and Awards committee ng MRT-3.

Kaya naman, ayon sa DOTr, asahan sa mga susunod na araw ay unti-unti nang mararanasan ang mas maayos na serbisyo ng MRT-3 at tinitiyak nito na sa susunod na buwan ay wala nang pagtirik na mararanasan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?