79

Jan 6, 2022 @ 11:50
By

Mga tren dapat ‘PWD-friendly’ – PASAHERO Party-list

Nanawagan ang PASAHERO Party-list sa pamunuan ng mga rail transit system na pagandahin pa ang accessibility para sa mga Persons With Disability o PWDs.

“We will not achieve inclusivity and accessibility in our rail transport unless train operators make the necessary improvements and act with urgency to improve the accessibility of train travel for passengers with special needs,” sabi ni PASAHERO spokesperson Atty. Homer Alinsug.

Ang panawagan ni Alinsug ay para sa pamunuan ng Metro Manila Rail Transit System (MRT), the Manila Light Rail Transit System (LRT) at Philippine National Railways (PNR).

Ginawa ng grupo ang panawagan matapos mag-viral sa social media ang isang litrato ng isang may kapansanan na nahihirapang umakyat sa hagdan habang ang bitbit ng dalawang security guard ang kanyang wheelchair sa LRT Recto Station.

Sabi ni Alinsug, matagal nang isyu sa railway network sa Metro Manila ang accessibility kaya’t pinanghihinaan ng loob ang mga taong may kapansanan na gamitin ang transport system.

Madalas ding reklamo ang mga hindi gumaganang mga elevator sa mga istasyon ng LRT at MRT. Mahalaga aniya ito para sa mga matatanda, mga bata at buntis dahil madalin silang makaakyat sa platform ng MRT at LRT.

“To make rail transport more inclusive and accessible, the managements of MRT, LRT and PNR should come up with initiatives to remove barriers to travel and make the network more accessible to persons with special needs,” sabi ni Alinsug.

Kailangan din umanong sumunod ang rail transport operators sa requirement sa ilalim ng Republic Act (RA) 7277 at Batas Pambansa (BP) 344 kung saan kailangan nilang magbigay ng architectural o structural features para madaling makakilos ang mga taong may kapansanan.

“Section 25 of RA 7277, also known as the Magna Carta for Disabled Persons, calls for a ‘barrier-free environment’ that will enable disabled persons to have access in public and private buildings and establishments and such other places mentioned in BP 344, otherwise known as the Accessibility Law,” sabi ni Alinsug. (Dindo Matining)

Jak Roberto isiniwalat kung kailan siya na-inlab kay Barbie Forteza

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?