9

Oct 16, 2020 @ 12:30

Mga travel agency pwede na sa GCQ

Bagaman limited capacity pa rin, pinapayagan nang mag-operate sa general community quarantine (GCQ) areas ang mga travel agency, tour operator, reservation service, at iba pang kaugnay na negosyo simula ngayong Biyernes.

Ito’y matapos ang pag-isyu ng Department of Trade and Industry (DTI) ng Memorandum Circular 20-53 na nire-recategorize ang mga nabanggit na travel at tourism-related activity mula Category III patungong Category IV.

Dahil dito, pwede nang mag-operate ang mga recategorized activity nang hanggang 50 percent capacity sa mga GCQ area, gaya ng Metro Manila.

Samantala, 100 percent operational capacity naman ang pwede sa mga travel agency, tour operator, reservation service, at iba pa sa mga modified GCQ (MGCQ) area.

Pinaalala naman ng DTI sa mga nabanggit na negosyo na panatilihin ang minimum public health standards sa kanilang balik-operasyon.

Ayon sa survey ng PwC Philippines, 97 percent ng mga tourism-related business ang nagsabing nagdulot ng great concern at malaking epekto ang pandemyang COVID-19 sa kanilang business operations.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?