1,051

Mar 31, 2020 @ 11:40
By

Mga trans niloko! Sam Morales pinakain ng mura sa socmed

Gumawa ng ingay ang pangalan ni Sam Morales matapos na ilantad ng isa nitong nabiktima ang panloloko na ginawa nito sa kanya.

Sa serye ng tweet ni @JzanVern, nilahad nito kung papaano siya ‘na-catfish’ ni Sam Morales, na ginamit ang isang lalaki na nagngangalang Bill Argana.

Tumagal umano ng walong buwan ang panlolokong ginawa ni Sam, na nagsimula ng magka-match ang biniktima nito sa Tinder gamit ang pekeng account.

Noong una’y nagduda na umano ang biktima dahil ayaw magpa-add ng nagpakilalang ‘Bill Iver Reyes’ sa kahit anong social media platform, at hindi rin daw umano pumapayag sa video call.

Ngunit napawi ang duda ng mag-send si ‘Bill’ ng mga video ng mukha niya, kaya unti-unti silang nagkapalagayan.

Ilang beses na rin dapat silang magkikita ngunit madalas ding maudlot, at noong pinapunta ang biktima sa Manila galing Cebu kung saan una silang nagkadaupang-palad ay bigla umano siyang inayawan ni Bill.

Nalaman din nito na hindi ‘Bill Iver Reyes’ ang tunay na pangalan ng kanyang kausap kundi ‘Bill Argana’.

Ngunit kalaunan ay nagtuloy-tuloy pa rin ang kanilang komunikasyon at muling pinapunta sa Manila ang biktima kung saan nakipagkita sa kanya sa isang hotel si Bill kasama si Sam, na nagpakilalang pinsan ng lalaki.

Sa isang tagpo ay sinubukang halikan ng biktima si Bill, ngunit tumatanggi ito. Bigla na lamang siyang nagulat ng ito’y makipagtalik sa kanya, at matapos nito ay inamin na hindi siya ang nakikipag-usap dito sa text kung hindi si Sam.

Kinumpronta ng biktima si Sam at dito umamin din ito sa kanyang ginawa, at humingi ng tawad dahil nagawa lang niya daw ito dahil na-trauma siya noon sa mga gay dahil nabu-bully siya noong bata pa.

Saad pa ni Sam, madalas nila umano itong gawin sa mga trans at miyembro ng gay community, na paasahin at iwan din kalaunan.

Dahil dito’y bumuhos ang simpatya ng mga netizen, at sinabing psycho at pinagmumura si Sam, matapos lumantad ang iba pang nabiktima nito sa social media.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?