20

Feb 11, 2021 @ 19:31
By

Mga trak bawal na sa Nagtahan flyover simula Pebrero 20 – DPWH

Hindi na pahihintulutang makadadaan ang mga trak at trailer sa Nagtahan flyover sa Maynila simula Pebrero 20 ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ito ay matapos makitaan ng DPWH ang naturang flyover ng mga crack.

Inabisuhan naman ang mga trak at iba pang mabibigat na behikulo na dumaan sa mga rutang sumusunod:

*Mga southbound na trak — Earnshaw Street, Legarda Street, Ayala Street, P. Burgos Street to Roxas Boulevard.

*Mga northbound na trak – Quirino Avenue to Roxas Boulevard; Quirino Avenue Extension to United Nations Avenue to Roxas Boulevard.

Nilinaw naman ng Metropolitan Manila Development Authority na mananatiling bukas ang naturang flyover para sa mga light vehicle.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?