15

Apr 15, 2020 @ 17:20
By

Mga torneo ng AFC sa Mayo-Hunyo kinansela

Sasailalim muna sa indefinite suspension ang nga torneo ng Asian Football Confederation dahil sa coronavirus disease 2019 o COVID-19 pandemic.

Kinansela ang mga laro ng liga at iba pang kompetisyon na mga nakatakda sa May at June, kasama ang inaabangang AFC Champions League.

“Following the continued preventive measures and travel restrictions put in place by several governments, the Asian Football Confederation has decided today to postpone all matches and competitions scheduled to take place in May and June until further notice,” saad ng AFC statement.

Inaasahang babalik ang mga paligsahan sa July kung saan base sa pagtantiya ng mga medical expert ay unti-unti nang makakabangon ang mga bansang apektado ng sakit.

“As one of the first confederations in world football to undertake precautionary measures in light of the COVID-19 outbreak, the latest decision reinforces the AFC’s commitment to ensure the safety and wellbeing of players, participating teams, officials, fans and all stakeholders.”

Dahil sa ekstensiyon ng lockdown ay naapektuhan rin ang two-legged women’s Olympic Qualifying play-off ng China-South Korea na ngayon ay iniskedyul na sa Hunyo 1 at 9.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?