38

Oct 19, 2020 @ 14:30
By

Mga titser na naghatid ng module niratrat ng NPA

Pinagbabaril ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) ang ilang guro na naghahatid ng mga learning module sa kanilang mga estudyante sa Purok Hitaon, Barangay Awasian, Tandag City sa Surigao del Sur noong Oktubre 16.

Ayon sa ulat, batay kay 36th Infantry Battalion Civil Military Operations Officer First Lt. Rodante Soso, agad tumakas ang mga rebelde patungo sa kalapit na kagubatan nang dumating ang mga sundalo.

Masuwerte aniyang walang nasaktan sa mga guro dahil nagawang makapagtago ng mga ito nang mamaril ang NPA.

Samantala, naharang ng mga operatiba ng 36th IB ang isang truck na puno ng mga supply ng komunistang grupo sa isang checkpoint sa Zone lll, Lanuza, ng nabanggit na lalawigan.

Iniimbestigahan na ang driver at limang pasahero ng truck.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?