10

Feb 22, 2021 @ 15:27
By

Mga tindero nagkasa ulit ng pork holiday

Nagsagawa uli ng panibagong “pork holiday” ang ilang tindero ng karne at manok sa ngayong linggo.

Sa ulat ni Abante journalist Patrick Adalin, sinabing magtatagal ang hindi pagtitinda ng nasa 50 vendors sa Murphy Market sa Cubao, Quezon City mula ngayong Lunes hanggang bukas, Pebrero 23.

Ayon sa mga vendor, hindi kasi nila kayang sundin ang price ceiling na tinakda ng gobyernong Duterte dahil sa taas ng kuha nila sa mga supplier.

Sa ilalim ng Executive Order No. 124, nakasaad na sa loob ng 60 araw, P300 ang maximum na halaga na pwedeng ipagbili ang kada kilo ng liempo, habang P270 naman kada kilo ang kasim at pigue, at hanggang P160 kada kilo ang pwede sa dressed chicken.

Pebrero 8 sinimulang ipatupad ang price ceiling na ito sa mga pampublikong palengke at supermarket sa Metro Manila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?