18
views
dti-store

Mga tindahan na magsasamantala sa TRAIN, mapaparusahan – DTI

Sharing is caring!

Binalaan ng Department of Trade and Industry ( DTI ) ang mga sari-sari stores at mga mini-grocery na magsasamantala sa ipinatutupad na Tax Reform Acceleration And Inclusion ( TRAIN ) law.

Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, may multang mula P20,000 hanggang P1 milyon ang mga negosyanteng mapapatunayan na lumabag sa panuntunan ng TRAIN law.

Siniguro ng DTI ang pagbabantay sa mga negosyante na magpapataw ng labis na presyo sa kanilang mga produkto.

Nagtalaga na rin umano sila ng mga tauhan na magmomonitor sa mga negosyanteng ito na walang hangad kundi kumita ng malaki nang hindi patas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?