36
Mga tinamaan ng tigdas sa Calabarzon, higit 2000 na
By

Mga tinamaan ng tigdas sa Calabarzon, higit 2000 na

Naitala na sa 2,328 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng tigdas sa Region IV-A.

Sa pinakahuling ulat ng Department of Health (DOH)-Calabarzon, 55 na ang nasawi dahil sa nasabing karamdaman.

Pinakarami sa mga naitalang kaso ay mula sa lalawigan ng Rizal na may 1,268 na kaso at 40 pasyente na namatay.

Sa Laguna, nasa 325 naman ang naitalang kaso na may anim na namatay.

Sa Cavite, nadale naman ng sakit ang 284 na mga pasyente kung saan pito ang nasawi.

Sa Batangas at Quezon, naitala sa 236 at 216 ang mga kaso kung saan tig-isa ang mga namatay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?