228

By

Mga tigasing sindikato sa Customs, patayin! – Duterte

May kalalagyan ang mga sindikatong patuloy na magpapasaway sa kanilang iligal na gawain sa Bureau of Customs.

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte kay bagong Bureau of Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero na huwag huwag mag-atubiling patayin ang mga sindikato para mawala na ang mga nagpapasakit ng ulo ng gobyerno.

Inatasan din ng Presidente si Guerrero na dapat maging mahigpit sa mga pumapasok na kargamento para matiyak na hindi makalusot ang mga kontrabando gaya ng iligal na droga.

“Madali lang ‘yan, patayin mo ‘yang mga p****** i**** ‘yan… Kung hindi mo madala sa istorya then ihulog mo diyan sa… And if you think that there’s really a something a way which they can do it, baklasin mo lahat. And do not mind if there’s a delay of one year in the cargoes,” anang Pangulo.

Matatandaang inamin ni dating BOC Chief Isidro Lapeña na nalusutan siya ng mga sindikato kasabwat ang mga tiwaling tauhan at opisyal ng ahensiya kaya nakalusot papasok ng bansa ang ilang tonelada ng shabu na inilagay sa magnetic lifters.

Nakatakdang manumpa si Guerrero sa Pangulo sa susunod na linggo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?