828
views

By

Mga tauhan ni Andanar binanatan sa pagiging ‘patay gutom’

Sharing is caring!

Nagpupuyos sa galit ang isang netizen dahil sa pagiging garapal ng “Habhab” Team umano ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) chief Martin Andanar.

Sa kanyang Facebook post inilahad ni Edith Ging Z. Caduaya ang dismaya niya sa mga tauhan ni Andanar sa pamimili umano ng mga ito ng kakainin at service vehicle na gagamitin.

“Dear PCOO HabHab team, you are not in a position to dictate what food your host should serve! You are not in a position to dictate what service vehicle you should use! You are not their boss! You are not angels from heaven, who deserve praises and grand welcome!” panimulang banat ni Caduaya.

Pinagsabihan pa nito ang mga tauhan ni Andanar sa pagtrato nito sa mga tao na parang alipin.

“Do not provide a venue for people to be corrupt, just to serve you! You have your own budget to spend! Do not treat regional people as slaves! You are public servant! The taxpayers are your boss! My apology to those who are dedicated to serve. Pero, sa mga patay gutom! You deserve this rant!” dagdag pa ni Caduaya.

Ani Caduaya, hindi umano niya maatim na isarado na lang ang kanyang mga mata sa klase umano ng pamumuno ni Andanar na hindi makontrol ang sarili nitong mga tauhan at magbigay ng tamang direksiyon.

“Look around be sensitive! Your finance people drink all they can –hahaha “morning the night” with unlimited budget “meals” ang resibo!” sabi pa ng netizen.

Matatandaang tampulan ng pang-aasar ngayon ang PCOO dahil sa ilang beses na nitong kapalpakan kabilang na ang pagtawag kay Senador Sherwin Gatchalian na “”Winston Gatchalian” sa isa nitong news release pati na ang “Rogelio Golez” at ang pagtawag nitong “Norwegia” sa Norway.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?