9

Jan 10, 2022 @ 14:15
By

Mga tanggapan ng PCOO kinandado dahil sa COVID-19

Isinara ng isang linggo ang mga tanggapan ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) dahil sa mataas na bilang ng mga empleyadong tinamaan ng COVID-19.

Naitala ang pinakamataas na aktibong kaso ng COVID-19 sa 60 mga empleyado ng PCOO simula Enero 3, 2022 kaya pansamantalang isinara ang mga tanggapan simula ngayong Enero 10 hanggang Enero 14, 2022.

Ayon sa ipinalabas na memo ng PCOO for Administration, kapag nagpatuloy sa pagpasok ang mga empleyado ay maaaring magdulot ng panganib sa kanilang kaligtasan at kalusugan ang pagkalat ng kontaminasyon na makakadagdag pa sa pagdami ng pasyente sa mga pagamutan.

Ibinatay ng PCOO sa memorandum circular number 94 na inisyu ng Office of the Executive Secretary ang pansamantalang pagsasara ng mga tanggapan sa ilalim ng Alert Level 3.

“The continued reporting to work of our personnel will not only endanger their safety, but will contribute to the overwhelmed health care systems including government isolation facilities,” anang memo.

Ang mga kawani ng PCOO ay magpapatuloy sa kanilang trabaho sa bahay sa pamamagitan ng work from home set-up para masigurong magpapatuloy ang serbisyo sa publiko.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?