126

Jun 26, 2018 @ 12:42
By

Mga tambay, ipaubaya sa mga tanod – Castelo

Iminungkahi ni Quezon City Rep. Winston Castelo na ang mga tanod na lang ang manghuli sa mga tambay.

Ito’y sa harap ng inaaning batikos ng pulisya sa pagpapatupad ng kampanya ng gobyerno laban sa mga tambay.

Sabi ni Castelo, kabisado ng mga tanod ang kani-kanilang lugar at maging ang mga tao kaya mas maiging sa kanila na ipaubaya ang trabaho.

“Why not? A barangay tanod is well trained to deal against vagrancy and he fully knows the terrain of the community as well as its people. He can probably do the job right,” ani Castelo.

Paliwanag pa ng kongresista, halos pareho naman sa trabaho ng mga pulis ang ginagawa ng mga tanod maliban sa hindi sila armado ng baril kundi ng sticks.

Sa ganitong paraan, hindi na anya magiging prone sa pag-abuso ang Oplan Tambay dahil makakausap ng maayos ng mga tanod ang kanilang ka-barangay na lumalabag sa mga ordinansa.

Umano ng batikos ang kampanya laban sa mga tambay dahil sa insidente nang pagkamatay ni Genesis Argoncillo na inaresto ng mga pulis dahil nakahubad habang nagpapa-load sa tindahan. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?