359

Apr 12, 2020 @ 19:19
By

Mga Taguig scholar tatanggap ng P5K ngayong Covid-19 crisis

Inatasan ni Taguig City Mayor Lino Cayetano ang Taguig Scholarship Office at Barangay Affairs Office na ipamahagi ang P5,000 Special Emergency Assistance to Scholars (SEAS) simula Abril 20 para matulungan ang mga scholar ng lungsod at kanilang mga pamilya ngayong pinaiiral ang enhanced community quarantine dahil sa coronavirus disease (Covid-19) pandemic.

Nasa 25,000 scholar ang kabilang sa SEAS, sa ilalim ito ng Lifeline Assistance for Neighbors In-need (LANI) Scholarship Program, Taguig City University (TCU) Educational Assistance Allowance at Taguig Learners Certificate (TLC) Scholarship Program.

“This is another proactive measure to expand the assistance we give to our residents. By designing a support program around our scholars, we affirm our commitment to the well-being of our young people even in extraordinarily difficult times,” sabi ni Cayetano.

Iba pa umanoito sa iba pang tulong pinansyal ng lungsod tulad ng livelihood assistance sa mga public transport driver, food pack at anti-COVID kit.

Dagdag pa ng alkalde, “Taguig has been known to the country for its hallmarks in assisting learners in achieving their dreams. We want to make sure that this love for learning is resilient even to a crisis.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?