40

Nov 6, 2020 @ 0:16
By

Mga tagasuporta ni Trump sumugod sa voting center

Dumagsa sa isang voting center sa Arizona ang mga tagasuporta ni US President Donald Trump, Miyerkoles ng gabi.

Iprinoprotesta nila ang nagaganap na bilangan ng boto sa lugar, ayon sa ulat sa Fox News.

Daan-daang demonstrador ang nagtipon sa Maricopa County Recorder’s Office na matatagpuan sa Phoenix.

Sinisigaw umano nila ang “Count those votes!”

Nasa limang protester umano ang may bitbit na mga assault-style rifle habang ang iba ay may dalang handguns alas-7 ng gabi.

Hanggang alas-9 ng gabi ay bantay-sarado umano ang protesta at “everyone is peaceful and no arrest has been made.”

Ilang anti-Trump din ang dumating at nag-counter protest.

Ang protesta ay matapos sabihin ni Trump na may “major problems” sa voting at ballot counting sa nabanggit na state.

Nagde-demand din ang kampo ni Trump ng recount sa Wisconsin habang pinahihinto niya ang bilangan ng boto sa Michigan.

Wagi sa botohan si Trump sa Florida, Ohio, Texas at iba pa, habang nakuha naman ng katunggali niyang si Joe Biden ang Arizona, Minnesota at New Hampshire, batay sa Fox News Decision Desk.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?