98
Leila De Lima Supporter
Feb 24, 2018 @ 15:58
By

Mga tagasuporta ni De Lima, sumugod sa Camp Crame

Tumungo sa harapan ng Camp Crame ang supporters ni Senadora Leila de Lima para markahan ang ika-isang taong pananatili nito sa PNP Custodial Center.

May suot ang mga itong kulay puting T-shirt, bitbit ang mga placards at tarpaulin na may mga katagang “Free Leila now”.

Nanawagan ang mga tagasuporta at kaibigan ng senadora na palayain siya sa lalong madaling panahon.

Maliban sa aktibidad sa harap ng Camp Crame, may isinagawa ring misa sa loob ng Custodial Center partikular sa detention cell ni De Lima at motorcade sa loob ng Camp Crame.

Nagbitbit din ng 365 na mga rosas ang mga tagasuporta at kaibigan ng senadora na simbolo ng isang taong pagkakakulong ni De Lima.

Nakadetine si De Lima dahil sa umano’y pagkakasangkot nito sa nangyayaring transaksyon ng iligal na droga sa New Bilibid Prison noong siya pa ang kalihim ng Department of Justice.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?