146

Nov 9, 2021 @ 15:35
By

Mga taga-San Juan obligado pang mag-face shield

Mandatory pa rin sa San Juan City na magsuot ng face shield sa loob ng mga establisyimento.

Ani Mayor Francis Zamora, hinihintay pa nila ang utos ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.

“That is correct. Once the IATF gives the go-signal to lift this, then I will issue the necessary executive orders and I will also amend current ordinances which right now penalizes people who are not using a face shield,” saad ni Zamora sa panayam sa ANC.

Matatandaang inalis na ni Manila Mayor Isko Moreno ang requirement na face shield maliban sa mga ospital at iba pang health care facility. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?