4,548

By

Mga sweldo ng public school teacher, gustong gawing P40K ni Angara

Hiling ni Senador Sonny Angara na madoble ang mga sweldo ng mga public school teacher.

Naghain ang mambabatas ng Senate Bill 135 na magtataas ng salary grade ng mga guro, mula 11 patungong 19.

Sa nasabing akda, itataas ang sweldo ng mga guro mula P20,179 patungong P42,099.

Naniniwala si Angara na hindi na kakayanin ng mga guro na maghanap ng ibang trabaho iba pa sa kanilang day-time job kaya’t marapat lang na itaas ang kanilang sahod.

Makakaapekto rin umano ang pagtataas ng sahod sa kalidad ng edukasyon sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?