134

By

Mga susukong rebelde bibigyan ng bahay, trabaho ni Duterte

Upang mawakasan na umano ang pagrerebelde ng mga komunista, nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na bibigyan niya ng condominium unit ang sino mang rebelde na susuko sa pamahalaan.

Ito ang pahayag ng Pangulo sa kaniyang talumpati sa campaign rally ng PDP-Laban sa lalawigan ng Isabela noong Miyerkoles ng gabi.

“It’s a very important kasi pag-surrender ng (New People’s Army) bigyan ko ng condo pero paaralin ko. Marami akong condo. I have about 15,000 more,” saad ng Pangulo.

“Maski saan sa Pilipinas. Mag-surrender ka — hoy, NPA makinig kayo. Mag-surrender kayo, bigyan ko kayo sweldo, bigyan ko kayo condo,” dagdag pa nito.

Dagdag pa rito, paglalaanan din umano ng pamahalaan ang training ng mga ito sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) upang mahasa ang kakayahan at makapagtrabaho.

“Mag-aral kayo sa TESDA kay General Lapeña. Turuan kayo ng anong gusto mo. Kasi ngayon sa Davao ayaw nilang maniwala, maraming construction nababara. Booming ang Davao eh. Ang problema kulang ng mga artisans. ‘Yung ito ipagawa mo ito, hindi ka pwede magtawag ‘halika dito. Gawaan mo ito’. Ipagawa mo ‘yan sa sibilyan naglalakad diyan, bagsak ito,” aniya.

“Maubos pa tayong lahat. Ah mauna siguro ‘yang diyan kay mabigat. Master carpentry, pag-aralan mo ‘yan eh. Master plumber, kasi pag-flush mo kung hindi marunong, instead bababa ‘yan, aakyat ‘yan. Master — master lahat. Plumber, electrician, carpenter, wala tayo. Kulang,” saad ni Duterte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?