225

Dec 1, 2017 @ 19:07
By

Mga sundalong walang holiday break, may libreng trip sa HK

Trip to Hongkong ang regalo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga sundalong hindi magbabakasyon ngayong kapaskuhan sa Jolo,Sulu.

Sa kanyang pagbisita kahapon sa Camp General Teodulfo Bautista sa Brgy. Bus-Bus, batid niyang maraming mga sundalong sabik umuwi sa kani-kanilang pamilya at iilan lamang ang maiiwan para maging skeletal force sa panahon ng Kapaskuhan.

Nangako ang Presidente na bibigyan ng trip to Hongkong pagkatapos ng holiday season ang mga maiiwang magbabantay sa kampo.

Batid aniya nito ang sakripisyo ng mga walang holiday break kaya’t gagantimplaan niya ang mga sundalong magsasakripisyo sa panahon ng Kapaskuhan.

Pabirong sinabi ng Presidente na huwag isama ang asawa dahil baka mag-away lang habang nasa bakasyon kaya’t may mabuting ang girlfriend ang isama para mas masaya.

Maagang binati ng Pangulo ng “Merry Christmas” ang mga sundalo ay nangakong sagot niya ang gastos sa christmas party ng mga ito.

Bahagi ng pagbisita ni Pangulong Duterte sa mga sundalo sa Jolo, Sulu ang pagbibigay parangal sa mga natatanging sundalo at binigyan ng Order of Lapu-Lapu (Kamagi at Kampilan) na mga medalya. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?