108
ABANTE military honors soldier philippine marines marawi
Jan 11, 2018 @ 8:47
By

Mga sundalong missing in action, binigyan ng military honors

Pinagkalooban ng military honors ang labi ng isa sa mga sundalong ‘missing in action’ sa limang buwang giyera sa Marawi City

Ayon kay Captain Maria Rowena Dalmacio, tagapagsalita ng Philippine Marines, ginawaran ng military honors si Private Alejandro Balean, miyembro ng Philippine Navy, kahapon ng umaga, sa headquarters ng Philippine Marines sa Taguig City.

Si Balean ay nawala noong Hunyo 9, 2017 sa Mapandi Bridge, Brgy. Daguduban, Marawi City habang nakikipagbarilan sa mga miyembro ng Maute Terrorist Group.

Isang senior officer sa Marawi ang nakatanggap ng ulat noong Agosto 3, 2017 na nakatanggap ng text message na may isang bangkay na narekober sa Brgy. Rurog Agus, Marawi City na agad namang ipinaalam sa Marine Batallion Landing Team 7.

Agad namang kinunan ng DNA samples ng Philippine National Police-Scene Of the Crime Operatives (PNP-SOCO) ang bangkay at kapatid ni Balean noong Nobyembre 12, at lumabas ang resulta nito noong Disyembre 4, 2017 at dito na natukoy na ang narekober na bangkay ay si Balean.

Umaabot na sa 168 ang naitalang nasawing sundalo dahil sa naganap na giyera sa Marawi, ayon kay Col. Romeo Brawner, ang deputy commander ng Joint Task Force Ranao. (Betchai Julian)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?