48

By

Mga sundalo ng Philippine Army, sumabak sa training ng Australia

Sharing is caring!

Isinailalim sa urban operation training ang mahigit 100 na sundalo mula sa Philippine Army (PA).

Sinabi ni Major General Rhoderick Parayno, commander ng 2nd Infantry Battalion ng PA, 60 na miyembro ng Australian Defense Force ang nagsanay sa mahigit 100 na sundalong miyembro ng 1st Infantry Battalion ng PA.

Gamit ang mga makabagong taktika ng Australian Defense Force, naituro nila ang urban operation sa mga sundalong Pinoy.

Paliwanag ni Parayno, sa urban operation training tinuruan ang mga sundalong Pinoy sa tamang pagresponde sa giyera na nagaganap mismo sa mauunlad o matataong lugar.

Katulad aniya ng nangyari sa Marawi City na nilusob ng Maute ISIS terrorist group.

Aminado si Parayno na hindi lahat ng miyembro ng PA ay marunong sa urban operation dahil mas nasanay ang mga miyembro nito sa giyera sa bundok.

Kaya naman ang urban operation training ay napakahalaga sa bawat miyembro ng Army.

Nais ni Parayno na lahat ng miyembro ng PA ay maging bihasa dito kaya plano nilang gawing trainor ang mga sumailalim na sa pagsasanay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?