32

Mar 19, 2020 @ 16:08

Mga Sundalo, naki-TikTok

NAKIUSO at di nagpahuli ang mga sundalo at pulisya sa mga bagets ngayong pandemic crisis nang idaan nila sa favorite app ngayong ‘TikTok’ ang kanilang serbisyo at pagmamahal sa kapwa Pilipino.

Sa ‘TikTok’ account ni @miniogopjr, makikita sa video na nakahilera ang mga sundalo sa labas ng kanilang station at may hawak na placard.

Kung ano ang nakasaad sa placard, iyon din ang litanya nila: “We stayed at work for you, please stay at home for us.”

Dahil trending ngayon ang nasabing app lalo ay takaw-pansin agad ang agaw-eksena ng mga sundalo lalo na sa mga kabataan.

Sa kasalukuyan kasi ay isinailalim sa Enhanced Community Quarantine ang buong Luzon at may 202 katao nang kabuuang bilang na nagpositibo sa COVID-19

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?