209

Dec 20, 2017 @ 13:51
By

Mga sundalo, libre nang sumakay sa LRT Line 2

Nagdesisyon ang pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na bigyan ng libreng sakay ang mga sundalo sa LRT Line 2.

Ito ay bilang pagbibigay-pugay sa dedikasyon at kabayanihan ng mga sundalo.

Sa memorandum of agreement na nilagdaan nina LRTA Administrator Reynaldo Berroya at Major General Ronnie Evangelista, commander ng Civil Relations Service ng AFP, na kahit hindi naka-uniporme ang sundalo at sasakay sa LRT Line 2 ay libre sila, ipapakita lang ang ID.

Sinabi ni Berroya na ginawa ang aksyon bilang pagkilala sa naging kontribusyon, dedikasyon at kabayanihan ng mga sundalo lalo na sa Marawi.

Sinabi ni Evangelista na malaking karangalan para sa mga sundalo ang pagpapakita ng suporta sa kanila ng iba’t ibang sektor.

Matatandaang una nang binigyan ng libreng sakay ng LRT Line 2 ang mga pulis bilang bahagi ng pagpapaigting ng seguridad sa nasabing pasilidad. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?