347

Jul 2, 2020 @ 22:19
By

Mga sundalo ‘di pulis ang rumesponde sa Sulu shooting incident

Nilinaw ng Philippine Army na ang mga taong nakita sa video na kuha matapos ang naganap na pamamaril sa Jolo, Sulu noong June 29 ay mga sundalo.

Ayon kay Army spokesperson Col. Ramon Zagala sa panayam sa DZBB, sa una ay aakalaing mga miyembro ng Philippine National Police ang mga ito pero sa ginawang berepikasyon ay nakitang sundalo ang mga dumating sa crime scene.

Dagdag ni Zagala, nais malaman ng mga rumespondeng sundalo ang pagkakakilanlan ng mga biktima at kung sino ang pumatay sa mga ito dahil wala raw pulis nang mga oras na iyon.

Aminado ang tagapagsalita na may pagkakamali sa mga sundalo sa video dahil isa sa mga ito ang nakitang nagbukas ng sasakyan.

Ang sundalo raw na iyon ay kapatid ni Cpl. Abdal Asula, isa sa apat na sundalong napatay ng mga pulis.

Nilagyan ng kapatid ni Asula ng nakatuping damit ang ulo nito para ma-secure ito habang ang ibang sundalo ay itinago na ang mga gamit na nasa loob ng sasakyan dahil wala silang alam kung sino ang pumatay sa mga biktima, na akala nila’y mga Abu Sayyaf.

Wala raw intensiyon ang mga ito na i-tamper o linisin ang crime scene.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?