44

Sep 23, 2019 @ 15:01
By

Mga sumukong PDL umabot na sa 2,221

Patuloy na nadagdagan ang bilang ng persons deprived of liberty (PDL) na napalaya sa bisa ng expanded Good Conduct Time Allowance (GCTA) law ang sumuko sa awtoridad.

Ayon kay Department of Justice (DOJ) Spokesman at Undersecretary Markk Perete, nitong ganap na alas-nuwebe ng umaga (Setyembre 23), pumalo na sa 2,221 ang sumukong PDL, mas mataas kumpara sa orihinal na bilang na 1,917.

Ang 1,985 sa kabuuang 2,221 PDLs na sumuko ay nasa tanggapan na ng Bureau of Corrections habang ang 236 naman ay nasa kustodiya pa ng Philippine National Police.

“As of 9:00 am today, 23 September 2019, a total of 2,221 individuals have surrendered; 1,985 of whom are already at the BuCor while 236 are still in the custody of the PNP,” ayon kay Perete.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?