60
Mga sumukong drug personality sasanayin na ng TESDA
Oct 26, 2019 @ 17:28
By

Mga sumukong drug personality sasanayin na ng TESDA

Inihayag ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at Dangerous Drugs Board (DDB) na kanila nang uumpisahan ang ipinangakong skills training sa mga drug personality na sumuko sa ilalim ng war on drugs ng pamahalaan.

Ayon kay TESDA Secretary Isidro Lapeña na uumpisahan ang programa sa 500 drug surenderees bilang ‘pilot batch’ sa programang “Tahanang Pangkabuhayan” katuwang ang DDB.

Ang mga unang kalahok ay ang mga nakatapos na sa community-based rehabilitation program sa kanilang lugar.

Isang technical working group na binubuo ng mga tauhan ng TESDA at DDB ang pipili sa mga magiging kalahok.

“Skills development and livelihood projects would help in the drug surrender’s reintegration into the society, as well as lift their economic status,” ayon sa TESDA.

Kapag nakapagtapos sa kurso, bibigyan din ang mga drug surenderees ng kanilang certificate para magamit nila sa paghahanap ng trabaho tungo sa kanilang pagbabagong-buhay.

Tutulungan pa rin naman sila ng pamahalaan na siyang mangunguna sa assessement ng kanilang mga kakayahan, mahanapan ng mapapasukan o mabigyan ng mga pampanimulang kagamitan para makapagtayo ng sariling negosyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?