796

Apr 20, 2021 @ 22:20

Mga sumimot ng pagkain sa community pantry, nagsalita na: Konti lang ‘yon, kaya namin isoli!

Dumepensa na ang mga ale na nag-viral dahil sa kanilang pagkuha ng lahat ng pagkain, kasama ang dalawang tray ng itlog, sa tinayong community pantry sa Brgy. Kapitolyo, Pasig City.

Sa panayam ng ’24 Oras’, sinabi ng isang ale na nagpaalam sila sa isang tanod bago kunin ang mga nakalapag sa pantry.

Giniit din nito na pinamigay din nila sa kanilang mga kapitbahay ang nakuha at hindi nila ito sinolo.

“Pasensya na po na ganoon ang asal namin pero lilinawin namin na hindi kami nagnakaw,” saad ng ale na hindi pinangalanan.

Isa pang dawit sa pagsimot sa pantry ang nagsabing nasasaktan sila sa pangba-bash dahil aniya’y kaunti lang naman daw ang kanilang nakuha.

“Kaya naming isoli ‘yon kung ganyan lang din po na ilalabas nila sa social media… yung kasamahan po namin masyado na siyang naba-bash gayong hindi naman nila alam ang totoo,” ayon sa isa pang ginang.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?