88

Dec 7, 2017 @ 17:00
By

Mga sugatang sundalo pinarangalan, nakipag-dinner kay Duterte

Panibagong batch ng mga sugatang sundalo ang pinarangalan at hinandugan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng hapunan sa Malacañang.

Kabilang ang mga ito sa mga kawal na nakipagbakbakan sa giyera sa Marawi City at nakasagupa ng ilang rebeldeng grupo sa Mindanao.

Kabilang sa mga binigyan ng Lapu Lapu award at Kampilan medal ay sina Sgt. Nelson B. Lunas, Cpl. Milkiie B. Cawayan, Pfc. Rey D. Prosia, Pvt. Joshua A. Singabor, Cpl. Hilario J. Conco, Jr. at Pfc. Rodgie L. Valdez.

Bukod sa parangal ay binigyan din sila ni Pangulong Duterte ng cash at tig-isang cellphone at tiniyak na tutulungan ang mga ito hanggang sa ganap na gumaling sa kanilang mga tinamong pinsala.

Ang mga sundalong nagtamo ng matinding pinsala gaya ng pagkabulag ay bibigyan ng Pangulo ng ibang trabaho .

Tiniyak din ng Commander-in-Chief na aalalayan ng gobyerno ang pamilya ng mga ito at bibigyan ng mapagkakakitaan. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?