25

Jan 28, 2021 @ 13:59
By

Mga sugar daddy site kinababaliwan sa PH – de Lima

Pinaiimbestigahan sa Senado ni Senadora Leila de Lima ang pagtaas ng signup sa sugar daddy dating site na kinahuhumaligan ng ilang mga estudyante kabilang ang mga estudyante na aniya’y maaaring magresulta sa pag-abuso at exploitation.

Inihain ni De Lima ang Senate Resolution No. 609 na naglalayong siyasatin ang pagtaas na paggamit ng sugar dating sites na nagiging ‘source of income’ ng ilang mga kababaihan sa kasalukuyan.

“There is an urgent need to safeguard vulnerable sectors and effectively address the employment needs and concerns of Filipinos… [and to] prevent the further proliferation of abuse and exploitation, particularly among young women,” sabi ni De Lima.

“Under this arrangement, the ‘sugar baby’ is given financial assistance by a ‘sugar daddy/mommy’ in exchange for companionship and other favors which are mostly sexual in nature,” saad pa nito.

Batay sa mga ulat, may 63 porsiyentong pagtaas sa sign-up at 79 porsiyento sa kanila ay naging “sugar babies mula Marso hanggang Agosto 2020 o sa kasagsagan ng enhanced community quarantine o ECQ sa bansa.

Nakapagtala ang nasabing dating site ng pinakamalaking bilang ng mga Filipino user sa Capital Region (NCR) kung saa 12,450 sa kanila ay sugar babies habang 4,507 naman ang “sugar daddies.”

Pumangalawa ang Central Visayas na sinundan ng Central Luzon at Davao region. Karamihan sa mga nakarehistrong sugar babies ay mga estudyante.

“Women’s rights advocates and legal experts have likened the business model of sugar dating sites to the concept of prostitution by exploiting the vulnerabilities of women, particularly young women,” ani De Lima.

Sa ilalim ng Republic Act No. 9208, o the Anti-Trafficking in Persons Act of 2003, ang prostitusyon ay punishable by law, sabi ni De Lima, dating Commission on Human Rights (CHR) chief.

“There is need to examine the underlying conditions in our populations that render them vulnerable to exploitation by these kinds of website that prey on women, even minors, who are in desperate need of financial assistance,” sabi nito.

“It is, likewise, necessary to investigate these alleged cases of abuse and exploitation and gather more concrete data regarding this emerging industry in order to protect women’s and children’s rights amid the looming effects of a global health crisis,” diin ng Senadora.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?